|
L ' e s p r i t D ' e s c a l i e r
[
|
|
:: about this crap:: l'esprit d'escalier...it's French (sabi ko nga obvious eh) It means 'the wit of the staircase'. Uhmm, mahirap i-explain. Basta its something about 'should haves and shouldn't haves'. Like, kunwari you're in an awkward moment and then you don't know what to say o di kaya you've said something stupid. Tapos later, after that embarrassing incident marerealize mo na you should have said something like this or that... All the cool things you could've said.. Haay, lagi nangyayari sa kin to. Harhar. Pero the weird thing is, i don't post those experiences here in my blog. Puro happy moments lang. Siguro may sad moments din pero hindi naman ganun ka-miserable...=) :: all about moi :: ::bradahs and sistahs:: The Eembeh Projekt Lara Joycee Regene Patricia Iza Milky ::links::
::chronicles::
::TAG! You're IT!::
Z
|
|
umalis ako ng bahay kanina, kung saan saan din napadpad. pero tinatamad akong ikwento. pagkauwi ko sa bahay, wala na akong inatupag kundi manood ng news. Napanood ko nga pala kahapon ang Straight Talk(araw araw naman akong naonood eh, sana i-guest naman ang bamboo). Guest si Jose De Venecia, Rene Sagisag at yung isa ay hindi ko kilala. Okay yung discussion. At nabanggit nga pala ni De Venecia na may mga tinawagan siyang politicians(as far as i can remeber, hindi nabanggit si FPJ), rinerequest niya na mag-usap-usap lahat at kung sakali mang si GMA uli yung maihalal na presidente, suportahan daw at tulungan. Nag-agree naman ang mga nakausap niya, at sinabi sa kanya na pag natapos ang lahat ng ito eh mag-uusap-usap sila. Unity sa gobyerno di ba.. hmmm... Tapos pag si GMA ulit ang presidente eh gagawing Federal Parliamentary ang government, dati pa naman niya talaga plano to di ba. Ayus lang sa kin yun. Eto pa pala, kung tutuusin nga naman, mas malaki pa ang ginagastos ng mga kandidato sa pangagampanya kaysa sa sinusuweldo nila. Nakakapagtaka nga naman ano. Pag sila ang nanalo, siyempre babawiin nila ang mga nagastos nila sa pamamagitan ng pangungurakot. Ah ewan ko ba kung bakit ako nangengealam. Hahaha. Wala naman talaga akong alam dito. ah ewan. Peace na si Ping at Gloria di ba? =D Uy, nakauwi na si Manny Pacquiao. Harhar. Napanood ko yung interbyu sa 24 oras. Malaki daw ang pag-asa na mabago yung desisyon kasi inamin nung isang judge na nagkamali siya ng scoring. Sana nga mabago... har har... Tama na, nood na lang kayo ng news. Itigil na ang dayaan... nang matigil na rin yang rally rally ek ek na yan. :)) Anyway, hindi ako nag-online kagabi kasi babawi ako ngayon, madalas kasi maraming online pag thursday night, pati si Lolo Nathan ang alam ko online pag Thursday... Pero ba't ngayun ang boring??? :(( Huhuhuhu... Ang nasa room lang ay si Regenetot, Michelle at ako...hahahh. Kanina si hudas, ungaz, at mich din. Pero masaya masaya. Whahahahaha! Napapraning na ko.... sigh.... by DEE[ at 5/14/2004 12:53:00 AM ©
|